Litratong Pinoy #11 - Kalayaan
Thursday, June 12th, 2008
Malaya na ako…
Malaya na akong kumain ng gusto kong kainin, inumin ang anumang gusto kong inumin, anumang oras kong gustuhin.
Malaya na akong bumangon at mahiga ng walang nagsasabing gumising na ako o matulog na ako.
Malaya na akong magsuot ng kahit na anong gusto kong ibihis sa katawan ko (o wag magsuot ng kahit na anong saplot kung nais ko rin).
Malaya na akong panoorin ang pinaka-baduy mang palabas saTv at sinehan, makinig ng kundiman, rak o disco nung panahon ng 70s.
Malaya na ako…
… pero hinahanap-hanap pa rin kita.
Bilanggo pa rin ako ng mga ala-ala mo.
(Kuha ko ito ni C nung mga 2002. Si C ay isang mabuting kaibigan ng mahaba-haba na ring panahon. Nung nag-e-eksperimento pa lang ako ng potograpiya, sinubukan kong kunan sya at ang bata kong tyahin ng “nude”. Hindi pa digital ang camera ko nito. Pero tuwang-tuwa ako nung makita ko ang mga nakunan kong litrato. Yun nga lang, nasa Calgary ang mga negatibo ko. Kapag umuwi kami ng asawa ko sa Canada, hahanapin ko ang mga negatibo at palalakihan ko. )
I am free…
I am free to eat whatever I want to eat, drink whatever I want to drink, whatever time I want to.
I am free to rise and lay without anyone telling me it’s time to wake up or go to bed.
I am free to wear what I want to (or choose not to wear anything, for that matter.)
I am free to watch the cheesiest movie or TV show, play rock, classical or even disco songs of the 70s.
I am free……But I still long for you.
I am still a prisoner of your memories.
(This is my friend, C. We’ve been friends for quite sometime now. This was taken in 2002 when I was still trying my hand out in photography. I did some experimental nude shots of her and my very young aunt. This wasn’t even taken with a digital camera and so I was so delighted when the prints finally came out. I just have to get the negatives from Calgary once me and hubbie go there to visit my mom and dad. Might be nice to have them framed
![]()
Photohunt for Litratong Pinoy series #11 Kalayaan (Freedom)

