Litratong Pinoy #9: Ihip Ng Hangin
Magmula ng lumipat ako sa Maryland, pinakaaabangan ko lagi ang Preakness Celebration tuwing Mayo. Ang Preakness ay isang serye ng mga kaganapan sa palibot ng Baltimore na sineselebra ang Preakness Stakes, isa sa tatlong karera ng kabayo na kung tawagin ay Triple Crown (ang dalawa pang karera ay ang Kentucky Derby sa Louisville, Kentucky at ang Belmont Stakes sa Elmont, New York).
Ang isa sa pinakahihintay na bahagi ng selebrasyon at ang Hot Air Balloon Festival. Ang litratong ito ay kuha nung kauna-unahan kong taon sa Baltimore habang pinapalipad ang mga hot air balloons sa Oregon Ridge. Nakakamanghang pagmasdan ang mga nagliliparang lobo nun sa himpapawid.
Ever since I moved to Maryland, I had always looked forward to the Preakness Celebration held every May. It’s a series of events in Baltimore celebrating the famed Triple Crown thoroughbred race, the Preakness Stakes (the other two races of the Crown being the Kentucky Derby in Louiseville, Kentucky and the Belmont Stakes in Elmont, New York) .
One of the more awaited events during this time is the Hot Air Balloon Festival. This shot was taken during the launch of the balloons at the Oregon Ridge on my first year here in Baltimore. It was truly awesome to see all of them in the air.
Photohunt for Litratong Pinoy series #9 Ihip ng Hangin (Breeze)
Tags: 6. Photography, Breeze, Hot Air Balloon, Litratong Pinoy, Preakness


ganda ng kuha mo
ey, cool shot… love the angle… nice textured clouds…
hi ate sienna, ako naman nung nakatira kami sa kentucky ang inaabangan naman namin sa derby ay yung fireworks show.
nakakatuwa ang preparasyon nila para sa mga karera.
marahil nga ay napakagandang pagmasdan nito…maganda ang kuha mo pati na rin ang mga ulap…salamt sa pagdalaw ate sienna!
huwaw:D Gusto kong makasakay sa ganyan, ang saya siguro nun:D
ang ganda ng kuha, nice soft clouds as background! I like it
ang danda, ate sienna!!! sana makasakay ako sa ganyan…hugs!